Nagawa pang ipuwersa ng Bay Area Dragons sa Game 7 ang laban nila ng Ginebra San Miguel sa PBA Commissioner's Cup Finals series.

Ito ay nang matalo ng Dragons ang Gin Kings, 87-84, sa Game 6 sa Araneta Coliseum nitong Miyerkules ng gabi.

Pinamunuan ni reserve import Myles Powell ang Bay Area matapos umiskor ng 29 puntos, pitong rebounds at tatlong assists.

Napilitang gamitin ng Dragons si Powell nang magkaroon ng pilay sa kaliwang bukung-bukong si Andrew Nicholson sa Game 3.

VP Sara ipapa-subpoena ng NBI at DOJ; posible raw makasuhan

Sa papaupos na oras sa huling bahagi ng laro, may pagkakataon pa sana ang Ginebra na maitabla sa 87 ang iskor at maipuwersasa overtime ang laban.

Gayunman, sumablay ang tres ni Japeth Aguilar dahil na rin sa mahigpit na depensa ng Bay Area Dragons.

Naka-37 puntos naman si Justin Brownlee ng Ginebra, bukod pa ang tig-12 puntos nina Christian Standhardinger at Japeth Aguilar.

Itinakda ang Game 7 sa Philippine Arena sa Linggo dakong5:45 ng hapon.