Mabilis na kumalat kamakailan ang teyorya ng netizens na miyembro ng LGBTQ community ang ex-Pinoy Big Brother housemate at content creator na si Fumiya Sankai.

Ito’y kasunod nga ng isang kamakailang dance TikTok video ng Pinoy at heart at Japanese online star kasama ang ipinagpalagay ng marami na isang “non-celebrity boyfriend” umano nito.

Relasyon at Hiwalayan

Ria Atayde, flinex paboritong bahagi ng araw niya

Saliw ang isang patok na TikTok dance craze, makikita ngang sumasayaw ang online personality kasama ang ‘di pa noon nakilalang lalaki.

Sunod-sunod na komento naman ang agad na umagaw ng pansin sa marami matapos ding i-like umano ni Fumiya.

“Is that your boyfriend?” unang curious na tanong pa lang ng isang netizen.

“Finally, ni-reveal mon a jowa mo,” tila siguradong saad na ng isa pa.

“Is that your boyfriend at the back?🙈”

“Congrats fumiya with your boyfriend🥰!”

Dahil dito, agad na naging usap-usapan sa social media ang balitang may boyfriend na nga ang online personality.

Umabot pa ang hinuha ng marami sa iba’t ibang posts online kabilang na sa Facebook dahilan para lumitaw na ang ilang viral post ukol sa sekswalidad ni Fumiya.

Matapos ang ilang araw, nitong Lunes ay nilinaw na ni Fumiya ang isyu.

“Akala ko my dance is very nice that’s why [it’s] trending,” ani Fumiya sa TikTok update na nito habang tinawanan lang ang nabuong hinuha na beki nga siya.

Paglilinaw ni Fumiya, “I respect LGBT. Very respect. Pero I’m very straight. We are really straight.”

Sa huli nagpasalamat pa rin ang content creator sa mga nanuod sa viral video na sa pag-uulat ay tumabo na ng nasa mahigit five million views.

“Ba’t ba kase liked by creator yung comments about "is dat your boyfriend?" sa video 😭👍 na-confuse tuloy kami,” reaksyon muli ng followers ng online star.

Nalinaw din na isang Kenji ang kasama ni Fumiya sa naturang TikTok video na kaniya ring “best friend.”