Nanawagan si SenatorImee Marcos sa Department of Agriculture (DA) na pag-aralan muli ang tiyempo ng pag-aangkat ng sibuyas sa gitna ng tumataas na presyo ng produkto sa bansa.

Ito ay reaksyon ni Marcos sa naging pahayag ni DA Assistant Secretary Rex Estoperez nitong Sabado na mapipilitan ang gobyerno na umangkat ng sibuyas kung hindi pa rin bumababa ang presyo nito.

“Pansamantala lang ang gusto ng DA na import muli. Ang takot ko naman, baka sa dami ng inimport, tamang tama na naman ito sa ani ng ating magsasaka, babagsak na naman ang presyo,” sabi ni Marcos sa panayam sa telebisyon.

"Hindi ito pwede ng ura-urada. Alam naman nila ang kinakailangan sibuyas sa buong taon, ilan talaga ang totoo. Huwag naman ang labis-labis,” aniya.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev

Nabanggit na aniya nito sa kanyang kapatid na si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. ang usapin.

“Yes, alam na rin niya iyan na talagang ang DA kinakailangan mag-planning nang maigi. Hindi pwede ang ganyan na ura-urada na ‘ay may kulang’, tapos mag-i-import,” paliwanag ng senador.

Sa huling monitoring ng DA, aabot pa rin sa₱600 ang sibuyas sa ilang pamilihan sa bansa.