Nakatakdang kasuhan ng parricide sa hukuman ang isang security guard dahil sa pananaksak ng 300 beses sa misis na overseas Filipino worker (OFW) na kararating lang sa bansa, sa Barangay Bantayan, Mangaldan, Pangasinan nitong Enero 8.

Si Richard Acosta, 41, security guard sa Sual Power Plant at taga-Sual, Pangasinan, ay nasa kustodiya na ng pulisya habang inihahanda ang kaso laban sa kanya.

Pinatay nito ang kanyang misis na si Marilyn Acosta, 39.

"Hindi nya tinigilan na saksakin ang kanyang maybahay, mula katawan hanggang sa paa, at may saksak din sa kaniyang leeg," banggit ni Mangaldan Police chief, Lt. Col. Benjamin Zarate, Jr..

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Napatay ng suspek ang biktima sa loob ng Golden Success Hotel kung saan sila nag-check in nitong Linggo ng umaga.

Idinagdag pa ni Zarate, posibleng selos ang motibo sa krimen.

Inaresto ang suspek matapos ang pamamaslang.