PANGASINAN - Patay ang isang overseas Filipino worker (OFW) na kararating lang sa bansa matapos saksakin ng kanyang asawa sa isang hotel sa Mangaldan nitong Linggo ng umaga.

Dead on arrival sa Mangaldan Rural Health Unit ang biktimang si Marilyn Acosta, 39, taga-Poblacion, Sual, Pangasinan.

Kaagad namang inaresto ng mga pulis ang suspek na si Richard Acosta, 41, security guard sa Sual Power Plant.

Sa report ng pulisya, ang insidente ay naganap sa loob ng Golden Success Hotel sa Barangay Bantayan nitong Enero 8.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Sinabi sa ulat na nauna nang nag-check in sa hotel ang mag-asawa dakong 7:45 ng umaga.

Matapos ang tatlong oras, nakita ng isang roomboy na lumabas sa kuwarto ang suspek na may bahid ng dugo ang katawan.

Kaagad na tumawag ng pulis ang mga tauhan ng hotel at nadiskubre ang duguang biktima sa ilalim ng kama.

"Maliit na tools, na may kutsilyo ang ginamit ng suspek" pahayag ng imbestigador.

Sinabi ng pulisya na posibleng selos ang motibo sa krimen.

"Pinagsuspetsahan ng suspek na ang kanyang misis ay may ibang lover," dagdag pa ng imbestigador.

Nakakulong na ang suspek na nahaharap sa kasong pagpatay.