Isang paalala ang mensahe ni Kapamilya young actor Kyle Echarri para sa kaarawan ng nakababatang kapatid na nagpapatuloy sa laban nito sa brain tumor.

Ito ang laman sa Instagram update ni Kyle tampok ang kaniyang baby sister na si Bella.

View this post on Instagram

A post shared by Kyle Echarri (@kyleecharri)

Karina Bautista, PH navy reservist na

“Happy birthday my princess! Manong loves you more than anything in the world I hope u always know that. You’re my little warrior and and I’m proud to say my sister is the strongest little girl I know,” ani Kyle.

“May not always be near but your Manong is always by your side in everything you do. I love you princess more than anything/anyone in the world, and it will always stay that way,❤️” pagpapaalala ni Kyle kay Bella.

Matatandaan noong Hunyo 2022 nang unang ibahagi ng Kapamilya actor ang dumurog na rebelasyon sa ng kaniyang pamilya ukol sa karamdaman ni Bella.

Basahin: Baby sister ni Kyle Echarri, inilihim ang sakit na brain tumor sa kapatid; actor-singer, nadurog sa bad news – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Dahil ayaw niyang mag-alala ang kaniyang kuya, mahigit isang buwan munang hiniling na itinago ni Bella ang sakit nito kay Kyle, bagay na ikinadurong ng aktor noon.

“My baby sister Bella has been my world since the day she was born. Just yesterday I was told by my family that my little girl was diagnosed with a brain tumor on May 2nd and she wanted to hide it from me because she said she didn’t want me to get stressed while I was working,” saad ni Kyle.

Samantala, bumuhos naman ang pagbati at panalangin mula sa ilang kapwa celebrities para sa agarang paggaling ni Bella sa pagdiriwang din ng espeyal na okasyon.

Instagram

Instagram

Instagram

Instagram

Ipinagdiriwang ng “little warrior” na si Bella ang kaniyang ika-12 kaarawan.