Nakiusap sa lahat ang partner ng vlogger na si "Khifer Brose" na nahaharap ngayon sa kasong panggagahasa ng dating karelasyon ng kaibigan.

Ayon sa Facebook post ng karelasyon ni Khifer na si "Sabrina Paula Velasco", sana raw ay tulungan siya ng followers at subscribers ng kaniyang partner na ipagdasal ang resulta ng magiging pagdinig ng kaso nito sa korte.

"Magandang Gabi po sainyo ako po ay humihingi ng panalangin para malagpasan namin ang problema na aming kinakaharap hindi po natin kailangan magtalo-talo sa mga bagay na wala namang katotohanan on process na po ang kaso n'ya antayin na lang natin ang desisyon ng korte, lalabas din po ang katotohanan, mananaig pa rin ang kabutihan kaya po please iwasan natin ang pag-bash kay Khifer hindi po kayo nakakatulong bagkus ipagdasal na lang po natin na manaig ang katotohanan. Salamat po!"

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Ibinalita rin ni Sabrina na baby girl ang magiging anak nila ni Khifer.

Sa isa pang Facebook post, nag-quote ng bible verse si Sabrina para ipaalam na hindi niya iiwanan sa kaniyang laban ang partner.

“When you go through deep waters, i will be with you. ✨Isaiah 43:2✨," aniya.