Itinigil na ang pagpapakawala ng tubig ng Angat at Ipo Dams matapos magdulot ng pagbaha sa malaking bahagi ng Norzagaray sa Bulacan nitong Sabado.

Sa panayam sa radyo, sinabi ni Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) hydrologist Rosalie Pagulayan, isinara na ang lahat ng gate ng Angat Dam dakong 5:30 ng madaling araw ng Linggo habang sa Ipo Dam ay isinara dakong 6:00 ng umaga.

Nitong Linggo ng umaga, nasa 214.04 metro ang reservoir water level (RWL) ng Angat Dam, bahagyang bumaba sa naitalang 215.03 metro nitong Enero 7.

Ang spilling level o normal high water level ng Angat Dam ay 212 metro.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Umabot na sa 101.21 metro ang RWL ng Ipo Dam nitong Linggo, mababa kumpara sa 101.04 metro nitong Sabado.

Nitong Sabado, sabay na nagpakawala ng tubig ang dalawang water reservoir na nagdulot ng pagbaha at nagpalikas sa 500 pamilya sa Norzagaray.