All-smile ang 75-anyos na si Manay Lolit Solis sa larawan nila ni Alden Richards nang personal na dalawin siya ng Kapuso star sa kaniyang tahanan.

Kahit pa hindi sanay na may paunlakang mga alaga ang batikang showbiz manager sa kaniyang bahay ay hindi maikakailang masaya ito nang dalawin ni Alden.

“Dahil nga eversince gusto ko iwan sa labas ng bahay ang trabaho ko sa showbiz, at pag nasa bahay, iyon private na Lolit na ang nakatira. Pero talagang desidido sila Alden at Mama Ten na batiin ako ng Happy New Year at hinintay talaga nila na magising ako sa aking afternoon nap,” pagbabahagi ng showbiz personality sa kaniyang Instagram post, Linggo.

Tsika at Intriga

BINI Aiah, nagsalita na tungkol sa isyu ng personal space at privacy

Testimonya ni Manay Lolit: “Eversince napakabait ni Alden at kahit hindi kami nagkikita talagang feel ko na close siya sa akin. Isang reason why I treasure him so much dahil din sa kabaitan ni Mama Ten.”

Bago nito, isa ring papuri lang ang laman sa hiwalay na Instagram update ng showbiz personality na isa talaga aniyang “malaking example” pagdating sa paggasta ng kinikita sa industriya.

“Isa rin siya sa mga star na sincere talaga sa mga friends niya sa showbiz lalo na sa mga writers. Mahal na mahal siya ng mga tao sa paligid niya dahil never niya pinabayaan ang mga tao malapit sa kanya. Kahit mga fans niya inaalagaan niya kaya naman matatag siya sa kinalalagyan niya,” dagdag ni Manay.

“Isa si Alden Richards sa mga artista na love ko, Salve at Gorgy dahil napaka galang at mabait. Hindi nagbago kahit na nasa itaas na,” aniya pa.

Tanging hiling lang ng batikang TV personality ngayon sa aktor ang tahimik sa buhay at babaeng “magmamahal sa kanya forever.”

Ngayong Enero rin magdiriwang ng kaniyang kaarawan si Alden.