Isang 18-anyos na lalaki at dalawang menor de edad ang nasagip mula sa kanilang tiyuhin na nang-hostage sa kanila sa Champaca St., Punta, Sta. Ana, Maynila nitong Linggo, Enero 8.

Sinabi ng Manila Police District (MPD) na naaresto nila ang suspek alas-5:14 ng hapon. Kinilala ang suspek na si Robert Senarillos Buhisan, 35, residente ng Sta. Ana Manila.

Nailabas ng mga rescue volunteer, mga miyembro ng Special Weapons and Tactics (SWAT) at mga opisyal ng Philippine National Police (PNP) ang mga hostage alas-5:10 ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Alexis Buhisan Ilagan, 18 at dalawang menor de edad na may edad 15 at 17, pawang mga residente ng Sta. Ana Manila,

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sinabi ng pulisya na ang mga biktima ay mga pamangkin ng suspek.

Ayon kay Henry Bacones, 47, kapitbahay ng suspek at mga biktima, bandang alas-12 ng tanghali nagsimula ang pag-hostage. Aniya, may gunting ang suspek at posibleng lasing.

Sinabi ng mga operatiba ng MPD na iniimbestigahan pa nila ang insidente.

Diann Ivy Calucin