Nagluluksa ang aktres na si Kaye Abad sa pagpanaw ng kaniyang lola, batay sa kaniyang Instagram post kahapon ng Sabado, Enero 7.

Binigyang-pugay ni Kaye ang kaniyang lola sa pamamagitan ng pagbanggit sa ilang mga bagay na mamimiss niya rito.

"Sobrang sakit na hindi ako makakauwi jan para makita ka sa huling pagkakataon. 🥺 ang dami kong mamimiss sa'yo."

"Yung paggawa mo ng prayer cards para ibigay sa mga kaibigan mo. Tapos pag may nakita akong magazine na may bulaklak gugupitin ko yun para ibigay sa'yo. Kasi ididikit mo yun sa prayer cards. Yung pag aalala mo sa 3 paborito mong apo. Hehe. Yung mga 'Nasan na si Kevin?' 'Anong oras umuwi si Carlo?' 'Bea, nagpalit ka na ba ng _?'"

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

"Yung tunog ng pustiso mo tuwing kumakain ka. Yung hotdog mo na gagawin mong bulaklak tapos iluluto mo sa ketchup, toyo at asukal. Yung mga salitang ikaw lang yata ang nag-imbento. (wakinggowl, masser, ulaes, macher) hay lola 🥺🥺🥺 malungkot kasi wala nang susunduin si mama para mag-merienda sa bahay."

"Wala na 'kong papasalubungan ng snacks galing eroplano. ☹️ Pero alam kong masaya ka na ngayon at makakasama mo na si Lolo. Mahal na mahal ka namin , la! 🤍🤍🤍 Sobrang mamimiss kita 🥺🥺🥺"

"Sino pala magkikilay sayo jan?"

Hindi binanggit ni Kaye kung ano ang dahilan ng pagpanaw ng kaniyang lola.