Matapos ang pilyang Instagram caption kamakailan ni Pia Wurtzbach na umani ng samu’t saring reaksyon online, may paglilinaw na ang Pinay Miss Universe sa mga nalokang netizens.

Aniya, sa isang Twitter post nitong Sabado, “Joke lang kasi!”

https://twitter.com/PiaWurtzbach/status/1611535577274519552

Tsika at Intriga

Europe trip, inintriga! CEO Glenda Dela Cruz, pumalag sa pagkonekta sa kaniya kay Zaldy Co

Ang pagkambyo ng beauty queen ay tila pagkontrol na rin sa nalokang netizens na wild din ang naging reaksyon sa isa na namang trip to abroad ni Pia kasama ang fiancé na si Jeremy Jauncey.

Basahin: Pia Wurtzbach, bet ang ‘hagisan’ sa kama – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa isang five-star hotel sa Scotland napiling salubungin ng power couple ang 2023. Sa naturang bansa rin ipinagdiwang ang dalawa ang kanilang latest anniversary.

Samantala, ngayon pa lang, inaabangan na ng lahat ang detalye sa nalalapit na kasal ng Pinay Miss Universe. Ngayong taon kaya?