Maraming napapatanong ngayon sa celebrity couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto kung totoo ba ang mga kumakalat na tsikang palihim silang ikinasal bago matapos ang 2022.

Sa isang panayam, tinanong ni ABS-CBN showbiz reporter MJ Felipe si Gerald kung totoo bang ikinasal na raw sila ni Julia at inililihim lamang.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

https://twitter.com/mjfelipe/status/1611331961171345409

Pinabulaanan naman ito ni Gerald, bagama't sinabi niyang si Julia na ang babaeng handang-handa na niyang iharap sa dambana upang makasama habambuhay.

Kung darating naman daw ang oras na magpapakasal na sila, wala raw dahilan para itago ito sa publiko.

"Pag dumating tayo diyan, there's nothing to hide," ani Gerald.

Sa tanong naman kung kailan mangyayari ito, diretsahang sinabi ni Gerald na sa ngayon ay wala pa sa plano nila ni Julia ang mga bagay na ito.