Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Mindanao dahil sa posibilidad na maging bagyo.

Sa pahayag ng PAGASA, huling namataan ang LPA sa layong 1,000 kilometro silangan ng southeastern Mindanao.

Sakaling mabuo bilang bagyo, tatawagin itong "Amang."

Nauna nang inihayag ng PAGASA na isang bagyo lang ang pumapasok sa bansa kapag Bagong Taon.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Angtrough o extension ng LPA at shearline ay inaasahang magpapaulan samalaking bahagi ng Palawan, Visayas, at Mindanao.

Inaasahan naman ang malakas na pag-ulan saCagayan Valley, Cordillera Administrative Region, natitirang bahagi ngMimaropa (Region 4B), Bicol Region, Aurora, at Quezon dulot ng amihan.

Maaapektuhan din ng amihan ang Metro Manila at iba pang bahagi ng Luzon, ayon sa PAGASA.