Mula nang unang magpatikim ng kaniyang bold and sexy image noong Disyembre 2022, mukhang hindi na papaawat pa si Kapuso star Carla Abellana ngayong 2023.

Ito ay kasunod nga ng panibagong mapangahas na mga larawan ng aktres na kung ikukumpara sa dati niyang imahe ay napakalayo talaga.

Basahin: Grabe! Carla Abellana, ginulat ang netizens, kapwa celebs sa daring na mga larawan – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sa edad na 36-anyos, taglay pa rin ng showbiz royalty ang alindog na isa rin sa may pinakamagandang mukha ng Philippine showbiz.

Janno Gibbs nakikipogi kina Paulo Avelino, Aga Muhlach

“There’s beauty in the darkness. There’s peace in the silence. There’s purpose in the pain. You just have to believe,” makahulugang caption ni Carla ngayong Sabado.

Nauna nang nasita ng ilang netizens si Carla kasunod ng malaking pagbabago sa kaniyang imahe, bagay na hindi naman pinag-aksayahang sagutin ng aktres.

Basahin: ‘Nagrebelde ang lola’: Daring image ni Carla, umani ng sari-saring reaksyon mula sa netizens – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, as usual ay inulan agad ng heart at fire emojis ang bagong mga larawan ng aktres mula sa ilang TV personalities partikular na mula kina GMA News reporter Mariz Umali, kapwa Kapuso star na si Max Collins, TV host na si Camille Prats at aktres na si Mayton Eugenio.

Pawang positibong paghanga rin ang inani ni Carla mula naman sa kaniyang masugid na followers.

“Omg 😱 Wait let me put on my glasses👓! You are so so beautiful my Superstar 😍😍@carlaangeline,” anang isang fan.

“There she is!!!! unapologetically empowered goddess queen,😍” segunda ng isa pa.

“Gorgeous❤️❤️❤️!”

“HOLY MOLY!!!😱 SOBRANG GANDAAAA ILOVEYOU!😍”

“Wala na uwian na! May nanalo na po! 😍❤️”

“GRABE MOMSHIE CARLA 😍🔥❤️😮!”

“Grabe!!! Napakaganda at napakasexy naman!!! 😍”

Sa pag-uulat, umani na ng nasa mahigit 25,000 likes ang naturang post ng aktres.