Hindi nakikitang magdadalantao ngayong taon ng kilalang manghuhula ang TV personality at vlogger na si Alex Gonzaga dahil umano sa isang nagbabantay na multo.

Ito nga ang hula ng tinaguriang “Prophetic Witch” na si Mamu Gloria Escoto tampok sa YouTube channel ng showbiz commentator na si Rommel Villamor.

Taong 2021 nang makunan ang nakababatang Gonzaga at nang matanong nga ng host si Mamu kung taon na ba ni Alex para muling magka-baby ngayong 2023, isang ‘di inaasahang pangitain ang ibinahagi nito.

Basahin: Alex Gonzaga, binasag na ang katahimikan hinggil sa pagbubuntis – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

11 na buwan sa kulungan: Ricardo Cepeda, pansamantalang nakalaya

Aniya, “hindi pa” magdadalantao muli si Alex ngayong taon.

“Mayroon kasi siyang bantay kaya possible na hindi siya magbuntis,” saad ni Mamu habang inilarawang isang “matandaang lalaki” umano ang multong umaaligid sa sikat na vlogger.

Dagdag ng manghuhula, galit na “parang nagseselos” umano ang naturang elemento dahilan para hindi pa mabibiyayaan ang aktres at mister nitong si Lipa City Councilor Mikee Morada ng kanilang unang baby.

“Ayaw niya na maging masaya yung tao kahit sabihin natin na nakikita natin sa mukha ni Alex na masaya siya pero, alam mo yun, makikita mo kasi sa mata niya na parang may kulang,” pagpapatuloy ni Mamu ukol sa bantay ng aktres.

Samantala, nagbabala rin ang kilalang manghuhula sa posibleng pagbaba ng “ratings” ng aktres, gayundin ang vlogging venture nito sa oras na maganap ang nakikitang “kaaway” na malapit din sa aktres ngayong taon.

Wala pang reaksyon si Alex sa nakakapanindig-balahibong pangitain ni Mamu.