Present ang couple at celebrity beauty doctors na sina Vicky Belo at Hayden Kho para sa kauna-unahang block screening ng “Partners in Crime” ngayong taon, entry nina Unkabogable Star Vice Ganda at Ivana Alawi sa Metro Manila Film Festival 2022.

Ito ang flex ng Star Cinema sa kanilang Facebook post, Biyernes kung saan makikitang all-smile ang apat sa iisang frame.

Ang exclusive screening ay naganap sa Director’s Club Cinema sa SM Aura Premier na pinangunahan nga ng Belo Medical Group.

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist

Habang wala pang numero na inilalabas ang komite ng MMFF kaugnay ng kabuuang kita ng mga entry ngayong taon, isa na ang materyal ng tandem nina Vice at Ivana ang unang naiulat na nanguna sa mga takilya.

Ang MMFF entry ay idinerehe ng blockbuster director na si Cathy Garcia Molina.

Samantala, ang MMFF screening ay magpapatuloy na lang hanggang Enero 7, Sabado.