Tila na-trauma na rin maging ang fans ng musician couple na sina KZ Tandingan at TJ Monterde sa hiwalayan at lokohan sa relasyon sangkot ang ilang celebrities at online personalities kamakailan.

Kaya naman sa latest photos ng dalawa, inulan na ng pakiusap sina KZ at TJ na lalo pang panindigan ang kanilang naging pangako sa altar at higit lalo sa isa’t-isa.

Tampok ang kanilang cute na cute na couple selfies, muling kinakiligan ng kanilang fans ang dalawa sa isang Facebook post ni TJ.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“These two are both my favorite artists and every time I see them, it makes me happy,” anang isang fan.

Sunod na mababasa ang payo at pakiusap na ng maraming fans para lalo pang magtagal ang iniidolo at paboritong couple.

“Keep the love and faith in Him. Keep GOD always at the center of all mga langga,” saad ng isa pang follower.

“Wag na wag kayo maghihiwalay,” pakiusap ng dagdag pang fan.

“Stay strong guys! Number one couple ko kayo!”

“Stay what you are rn lovebirds! 🥹

“OOOOOOOOOOY KUYA TJ AND ATE KZ, WAG PO KAYO MAGBREBREAK AH! MASASAKTAN KAMEEEE😭LOVE YOU BOOOOOTH!❤

Pilya pang pangongorner din ng isang fan kay TJ: “Pagtarongg juddd moo haaa? HAHAHAHAH”

“Di gyud mo mag-apil-apil anang bulag-bulag ha. Bantay lang jud.”

“Ayaw mog sundug sauban ha nga ga bulag 2 , stay strong ramo salamat✨🎈!”

“Kamo nalang gyud hinungdan na murisk pa kos gugma. Palihog lang char, gusto pa nako gamiton inyong Can't wait to say I Do ug Simula😭🫶I Love You Both🤎🤍

Si TJ ang una at huling boyfriend ng Kapamilya singer.

Noong Agosto 2020 nang ikasal ang dalawa sa isang intimate farm wedding sa Batangas.