Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. si General Andres Centino bilang bagong Chief of Staff ng Armed Forces of the Philippines (AFP).

Ito ang kinumpirma ng Presidential Communications Office nitong Biyernes.

Si Centino ay dati nang naglingkod bilang AFP Chief of Staff mula Nobyembre 2021 hanggang Agosto 2022, at naglunsad ng mga proyekto laban sa terorismo upang mapanatili ang kapayaan sa bansa.

Si Marcos ang mismong nagpanumpa kay Centino sa kanyang tungkulin nitong Enero 6.

National

Dr. Edsel Salvana, nakatanggap ng 'Innovation Excellence Award for Research' mula sa PhilDev