Nakakalokang milyones na halaga lang naman ang naispatang bago sa nakalululang luxury bag collection ni Kapuso actress at international fashion socialite Heart Evangelista.

Sa kaliwa’t kanang abalang raket sa loob at labas ng bansa noong 2022, deserve na deserve naman ng nag-iisang fashion icon para ma-spoil din naman ang sarili.

Ito nga ang power Instagram flex ng aktres kamakailan tampok ang milyones na halagang Hermes bag na inilarawang “rare, limited and exclusive” ng isang online luxury hunter.

Bago lumipad ng Japan nitong New Year, nakita na ng milyun-milyong followers ni Heart ang kaniyang Hermes Neige Faubourg Birkin 20 White Matte Alligator Handbag na ikinaloka nga ng fashion enthusiasts.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Kapansin-pansin agad ang mga nalulang followers na nagpahayag ng umano’y halaga nito sa comment section.

“Omg that Birkin is an extremely rare one, that cost around $369,000 or in peso approximately around 20m or more?” hinuha ng isang follower.

“Php 20m Hermes Bag 🔥” segunda ng isa pa.

“The Limited Edition Birkin !!!! 😮🔥”

“That bag tho [is] P20M!”

Unang inilabas noong 2019, ang Fauborn Birkin ay isang pagbibigay-pugay pala sa flagship Hermes station nito sa 24 Rue du Faubourg Saint-Honoré sa kilalang fashion city of Paris.

“Its design is a replica of the building's facade featuring orange awnings hanging over the store's windows, while the key clochette is designed to mimic Hermès' iconic orange shopping bag in fascinating detail,” dagdag na paglalarawan ng online fashion store na Maison de Luxe.

At kumpirmado nga! Ang halaga ng naturang bag ay tumataginting na P20,611,534.29 lang naman! Literal na isang crazy rich Asian lang ang kayang maka-afford nito.

Sunod na naispatan ang parehong bag sa Instagram page ng fashion socialite noong Enero 4, habang nasa bakasyon sa Japan kasama ang asawang si Sen. Chiz Escudero at mga anak nito.

Basahin: Mala-hotel na luxury van ni Heart Evangelista, nakalululang milyones ang halaga! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Hindi lingid sa lahat ang magarbo at pagkahilig ni Heart sa mga mamahalin at branded na mga bag na aniya’y investment niya rin sa kaniyang linya ng trabaho bilang aktres at fashion model.