Kinumpirma mismo ng aktor na si Carlo Aquino na nagde-date na sila ng aktres na si Charlie Dizon, na kamakaila'y naispatan na kasama niya sa La Union.

Pag-amin ni Carlo sa kaniyang panayam kay MJ Felipe ng ABS-CBN, nagsimula raw ito nang bumalik sila sa Pilipinas pagkatapos ng US tour ng Star Magic noong Agosto 2022.

Kasama raw niya ang kaniyang pamilya at si Charlie sa La Union sa pagsalubong Bagong Taon. Umuwi raw kasi galing Sydney, Australia ang kapatid niyang lalaki at ang asawa nito matapos ang dalawang taon.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

https://twitter.com/mjfelipe/status/1611266373086498816

Matatandaang kamakailan ay bumuhos ang espekulasyon kung may relasyon ba sina Carlo at Charlie dahil sa tila closeness ng dalawa sa mga picture na ipinost ng huli.

Sa Instagram post ni Charlie, makikitang nag-upload siya ng ilang group picture kasama ang aktor ngunit agaw-pansin ang “closeness” nila sa mga picture.

“Holiday dinner. What a fun night. So nice to see my sisters from another mother,” saad nito sa caption.

BASAHIN: https://balita.net.ph/2022/12/30/carlo-aquino-charlie-dizon-may-relasyon-nga-ba-netizens-nawindang/

Nawindang ang mga netizen sa comment section dahil sa closeness ng dalawang personalidad. Ang ibang netizens ay hindi natutuwa at pinalalayo ang aktres kay Carlo.

Matatandaang noong Abril ay kinumpirma mismo ni Carlo na hiwalay na sila ni Trina Candaza. Ngunit hindi na nito idinetalye ang paghihiwalay nila ng dating nobya.