Sa kaliwa’t kanang isyu ng lokohan at hiwalayan ng ilang celebrities at online personalities pagpasok ng bagong taon, marami gayunpaman ang naniniwala pa rin sa pag-ibig dahil na rin sa matibay na pagsasama ng kagaya ng Cebu-based couple na sina Kryz Uy at Slater Young.

Ito nga ang mababasa sa kaliwa’t kanang appreciation post para sa online couple na tila hawak ngayon ang pananalig ng marami para sa walang kondisyong love story.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Kaya naman effortless na nagpakilig, at umantig ang pagbabahagi ni Kryz ng natutunan at aniya’y “best marriage advice” para mapanatili ang matatag na relasyon nila ni Slater Young.

“Give five second hugs when you wake up in the morning or at random times of day,” pagbabahagi ni Kryz sa kaniyang Instagram ngayong Biyernes kalakip ang ilang clip nila ni Slater.

“A five second distraction won’t make you late for work but it will do wonders for your relationship,” pagpapatuloy ni Kryz.

“Never miss the opportunity to make your partner feel loved,” pagtatapos ng vlogger.

Agad na nag-react ang Skyfam sa anila’y relationship goal nina Kryz at Slater.

Basahin: ‘Baka Slater yan!’ Netizens, celebs, ‘nainis’ sa Christmas gift hirit ni Slater Young kay Kryz Uy – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Kapansin-pansin din ang pagbuhos ng couples at partners sa comment section ng naturang post kung saan tila agad na naihatid ni Kryz ang mensahe sa milyun-milyong tagasunod.

Si Kryz at Slater ay ikinasal noong Pebrero 16, 2019. Kasalukuyang biniyayaan ang dalawa ng dalawang cute na cute na chikiting na sina Scottie at Seven Kai.