TARLAC CITY – Arestado ng pulisya ang apat na hinihinalang tulak ng droga at nakuhanan ang mga ito ng shabu na nagkakahalaga ng P76,000 sa buy-bust operations sa bayang ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Zacaria Macaraob, 19; Edmark Masa, 22; Daniel Javier, 26, at Adrian Paul Nacpil, 28.

Arestado sina Macaraob, Masa, at Javier sa Irrigation Road, Barangay Tibag, Tarlac City.

Narekober sa mga suspek ang 72 plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P75,000, isang Vivo touchscreen cellphone, at itim na pouch.

Probinsya

Atimonan mayor, kinondena pamamaslang sa 10-anyos na batang babae

Nakuha kay Nacpil ang isang kalibre .38 revolver na may apat na bala, dalawang plastic sachet ng hinihinalang shabu, at ang buy-bust money.

Nasa kustodiya ng arresting units ang mga suspek para sa tamang disposisyon.