Camp Marcelo A. Adduru Tuguegarao-- Timbog ang isang tattoo artist sa isinagawang buy-bust operation ng pinagsamang pwersa ng Diffun Police Station at Quirino Provincial Intelligence Unit sa Diffun, Quirino nitong Huwebes, Enero 5.

Ang suspek na si Jordan Obaldo, residente ng Isidro Paredes, Diffun Quirino ay agad na naposasan ng mga otoridad pagkatapos magbenta ng tatlong sachet ng hinihinalang shabu sa isa sa mga operatiba na nagsilbing poseur buyer. 

Samantala, nakumpiska mula sa suspek ang isang pirasong isang libong piso, 2 piraso ng boodle money, 72 piraso ng hindi pa nagagamit na plastic sachet at 737 pesos sa magkakaibang denominasyon. 

Ang naarestong suspek ay dinala sa Diffun Police Station para masampahan ng kaukulang kaso. 

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar