Inamin ni Unkabogable Star Vice Ganda na hindi na siya makaalis ng bahay o lumabas ng mag-isa lalo na sa mga pampublikong lugar, kung wala siyang bodyguards o iba pang kasama.

Ito ang naibahagi niya sa panayam sa kaniya ng entertainment press, kaugnay ng kaniyang muling pagbabalik-pelikula. Hanggang ngayon ay napapanood pa rin ang "Partners in Crime" nila ni Ivana Alawi, na isa sa mga kalahok sa 2022 Metro Manila Film Festival (MMFF). At siyempre, isa ito sa mga nangunguna sa takilya!

Anang Vice, hindi naman daw siya magpapakaplastik kung sasabihin niyang hindi niya dama ang pagiging isa sa mga sikat na celebrity ngayon. Ramdam na ramdam daw niya iyan kapag nasa labas siya, halimbawa, sa loob ng mall. Hindi raw talaga maiwasang lalapitan at dudumugin siya ng mga tao upang makita siya nang malapitan at makapagpa-selfie sa kaniya.

Kaya sa tuwing lumalabas siya, kailangang may security personnel o kasama dahil hindi siya ang tipong nangtataboy o nananaway ng fans.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

“Hindi ako makaalis ng walang security. Hindi ako makaalis ng ako lang kasi hindi ko kayang sawayin ‘yung ibang tao. Hindi nila maiintindihan. Kailangang may ibang gumawa niyon para sa akin," paliwanag ni Vice.

Kitang-kita naman ang ebidensya ng sinasabi ni Vice dahil talagang pinuputakti siya ng mga tao kapag pumupunta siya sa mall. Kamakailan nga lamang ay dumog ang mga tagahanga sa kaniya nang pasyalan niya ang SM Tarlac at SM Pampanga para sa promotion ng kaniyang pelikula.