Naglabas ng pahayag ang 'experience' laner ng The Valley na si Ian "FwydChikn" Hohl ng ilang detalye tungkol sa nangyaring 'pakikipagharutan' ni Yawi Cabrera sa girlfriend ni Peter “Basic” Bryce na si Carol, sa kaniyang livestream nitong Linggo, Enero 1.

Ito ay humantong sa pag-post ni Basic sa kaniyang Facebook account ng mga screenshot ng pakikipagharutan umano ni Yawi sa isang babae—na kaniya palang 'jowa' mula sa Indonesia na umani ng iba't ibang reaksiyon mula sa netizens.

Kuwento ni Fwydchickn, nagkakahalaga ng $700 kada tao ang pananatili sa Indonesia sa loob ng isang buwan para humantong sa M4.

“We were looking for a place to stay and there were eight of us and basically essentially…they kinda did the math and summarized that it would cost around $700 each person to stay in Indo for like a month leading into M4," ani Fwydchickn.

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

Aniya, may nakilala umano dati si Basic na isang babaeng nagngangalang Carol na naninirahan sa Indonesia na maykaya ang pamilya.

Sinabi umano ni Carol na isa siyang avid ML fan at hahayaan nito silang manatili sa kanilang lugar nang libre, puwera na lamang sa kanilang pagkain.

“But Basic knew a girl. She’s from Indonesia and she’s got money. Ok? She’s pretty well-off, her family is. Her name is Carol and Carol says she is a big ML fan and that she’ll let us stay at her place for free. We pay our own food, but she and Basic let us stay at her place for free.”

Kuwento niya, ang iba pang mga kinatawan ng M4 ay tumira sa lugar ni Carol. Close pa raw sina Yawi at Basic, at madalas silang tumambay kasama si Carol.

“We come to Indo, we stay at her place…Time skip to two weeks, I went out with them once, then one time they went out without me and they met up with Yawi and everything was good and fun…They go out a few days later, Yawi is there too. Yawi gets her Instagram,”

“Fast forward a few days later, Carol messages Basic that Yawi has been messaging her in DMs the past three days, trying to get her to fck, or have sex and sht,” pagsisiwalat ng Pro player.

Itinanggi rin umano ni Yawi na mayroon siyang kasintahan noon kahit makikitang ifini-flex niya ito sa kaniyang mga social media accounts.

“She even asked him, ‘Don’t you have a girlfriend all over your Instagram?’ Carol asked him that and he said, ‘No! That’s not my girlfriend, I don’t know what you’re talking about.’ Basically, Yawi denied having a girlfriend even though half of his Instagram was covered with pictures of his girlfriend.”

Matapos niyon, kinausap umano ni Basic at binigyan ng pagkakataon si Yawi na umamin sa kaniyang girlfriend noon na si Jennifer Nierva ng National University, kung gusto niyang hindi na palakihin pa at i-post sa social media.

Ngunit, nang magkuwento si Yawi tila naiba na raw ang istorya—Si Carol naman umano ang gustong makipagt*lik sa kaniya, hindi ang kabaligtaran nito.

“Yawi’s girlfriend, pro player or pro volleyball player, messaged Basic saying that, ‘Yawi told her that Carol wanted to have sex with him, not the other way around.'

Ayon kay FwydChikn, lumapit umano si Nierva kay Basic at itinanong kung anong totoong nangyari. At nang matuklasan ang pagsisinungaling ni Yawi ay parehong sinabi nina Carol at Nierva kay Basic na ilabas na sa publiko ang mga screenshot.

Habang ang ilang mga tagahanga ay nagtalo kung si Basic ay "nagtaksil" sa kaniyang kaibigan, ipinagtanggol ito ni FwydChickn na ilang beses na umano binigyan ni Basic si Yawi ng pagkakataong itama ang pagkakamali nito.

“So, if it was really an impulsive snitch thing, he could’ve done it over a week ago, when it actually happened, but Basic gave Yawi a chance…" Aniya

"He gave him a chance to apologize to his girlfriend, not only did Yawi lie about it to his girlfriend but he also never apologized to Carol and he never apologized to Basic and he pretended like it never happened.”

Sa huli ay humingi ng disclaimer si Fwydchickn.

“I hold nothing accountable for any of this because I wasn’t there that night. I’m not saying I know anything more than beyond what I was told and shown proof of. There could be more details that I don’t know about.”

Samantala, wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag si Yawi o iba pang mga pangalang nabanggit tungkol dito.