Umabot na sa wakas ng pitong buwan ang love life ng komedyante at vlogger na si Brenda Mage, bagay na ipinagpapasalamat niya sa kaniyang kasintahan na si Gio Sta. Ana.

Ito nga ang Facebook flex ng online personality noong Lunes, Enero 2, tampok ang intimate na mga larawan kasama ang boyfriend.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“Mahal na mahal kita kahit marami mang hadlang ang importante tayo ay nagmamahalan,” makahulugaang saad ni Brenda sa kaniyang online post.

Pag-amin niya, unang beses na nagtagal ng pitong buwan ang kaniyang love life kaya’t abot-abot ang kaniyang pasasalamat kay Gio para dito.

Supportive naman ang followers ng komedyante na nagpaabot ng well-wishes para sa love life nito.

Sa hiwalay na Facebook post ni Gio noon ding Lunes, isang short but sweet message ang alay niya sa kaniyang partner.

“Happy 7th month of love, asawa ko. Mahal na mahal kita nang sobra. Labyu!” aniya na ikina-sana all ng maraming followers.

Noong Oktubre 2022 nang opisyal na ipakilala ni Gio si Brenda sa kaniyang mga magulang.