Kumpiyansa ang Ginebra San Miguel na makuha ang Game 3 sa pagpapatuloy ng PBA Commissioner's Cup Finals laban sa guest team na Bay Area Dragons sa Mall of Asia Arena sa Pasay ngayong Miyerkules ng hapon.

Ito ay matapos makapagpahinga ng isang linggo ang Ginebra matapos ang kanilang pagkatalo sa Game 2 nitong Disyembre 28, 2022.

Sa pahayag ni Gin Kings point guard Scottie Thompson, nakapaghanda nang husto ang kanyang koponan sa nasabing panahon.

Aniya, malaki ang naging adjustment ng Ginebra, lalo na sa resident import na si Justin Brownlee na halos hindi pinagpapahinga sa paglalaro.

National

Kahit nagpapagaling: Doc Willie Ong, pinapanalanging maging maayos na sina PBBM at VP Sara

Desidido aniya ang koponan na masikwat ang Game 3 para makauna sa serye.

Isasabak muli ni Gin Kings head coach Tim Cone si Brownlee na susuportahan nina Thompson, Jamie Malonzo, Christian Standhardinger, at Stanley Pringle.

Makatutulong din ng mga si Japeth Aguilar at LA Tenorio.

Hindi naman papayag si Bay Area Dragons coach Brian Goorjian na magawa ito kanila ng Ginebra.

Sinabi nito, nakapag-adjust na sila sa rules ng PBA at pipilitin pa rin nilang makuha ang Game 3 upang makuha ang bentahe sa Finals series.

Magsisimula ang laro dakong 5:45 ng hapon na inaasahang dudumugin muli ng libu-libong fans ng Ginebra.