May pahayag ang online personality na si Donnalyn Bartolome hinggil sa mga netizen na nalulungkot umano dahil balik-trabaho na. 

"Bakit may sad dahil back to work na? Diba dapat masaya ka kasi may chance ka na pagandahin buhay mo at ng pamilya?" saad ni Donnalyn sa kaniyang Facebook post nitong Martes, Enero 3.

Dagdag pa niya, dapat daw na maging grateful dahil may trabaho: "Trip ko pa nga may work ng January 1 dahil superstition ko may work ako buong taon pag ganun. Dapat grateful kasi may work."

"If work makes you unhappy, I hope you find a job that will. Yung pakikiligin ka and sheet," aniya pa.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Sa dulong bahagi ng post, reminder lang daw ang nasabing post na isang blessing ang pagkakaroon ng trabaho.

"Anyway, this is just a reminder that having a job is a blessing bessss change mindset, it’s 2023!!"

Matatandaang balik-trabaho na ang mga Pilipino nitong Enero 3 sa pagtatapos ng holiday season.

As of writing mayroong 149K reactions, 7.5K comments, at 14K shares ang post.