Matapos dumaan ang Pasko at nagpalit na ng bagong taon, umasa pala talaga ang aktor at amang si Dennis Padilla na makatatanggap man lang ng tugon sa mga anak na sina Dani, Julia, Claui, at Leon Barretto.

Ngunit bilang resulta nga, ni isa sa apat na Barretto ay hindi nagparamdam sa ama sa parehong okasyon.

Ito ang mababatid sa pinakahuling showbiz update ng manager na si Ogie Diaz na nakausap nga si Dennis ukol sa kontrobersyal na mga online post nito na layong makuha ang atensyon ng mga anak.

“Nakakatuuwa ka. Isa-isa mong ginreet ang mga anak mo, Dennis,” mababasa sa mensahe ni Ogie noong Dis. 27.

Tsika at Intriga

Doc Willie Ong, napatawad na ba mga bagets na nam-bash sa kaniya noon?

“Sad lang…walang nag-greet back for xmas,” anang ama pabalik sa kaibigan.

Basahin: Dinedma pa rin: Dennis Padilla, binati online ang mga anak ngayong Pasko – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Sunod nito, aminadong umasa si Dennis na mababati ng mga anak noon, “total Pasko naman.”

“Dapat daw ‘wag na ‘kong mag-expect ng reply. Pero [I’m] still hoping kasi total xmas naman,” aminadong pagpapatuloy ni Dennis kay Ogie.

Payo ng manager sa kaibigan noon, hintayin lang ang mga anak hanggang Bagong Taon, bagay na bigo pa ring matanggap ng ama.

“Painful kasi miss ko [na] sila,” ani Dennis.

Basahin: Dennis Padilla, muling binati ang mga anak nitong Bagong Taon; mga Barretto, dedma muli – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Una nang nakisimpatya ang ilang followers ng aktor sa patuloy umanong pandededma ng mga anak na Barretto sa kaniya.

Sad to note na m[ay] mga anak palang ganon, mga pusong bato. Nakapagtataka din bakit ang mother hinahayaang i-deadma ang ama nila,” anang isang follower ni Dennis sa isang Instagram post nito.

Sa ngayon, wala pang tugon ang mga Barretto sa pangungulila ni Dennis kaniyang mga anak.