BATANGAS - Patay ang isang lalaking negosyante matapos pagbabarilin ng isang lalaki sa harap ng munisipyo ng Rosario sa Barangay Poblacion nitong Martes ng umaga.

Dead on arrival saSto. Rosario Hospital ang biktimang si Anselmo Javier, Jr., 44, taga-Brgy, Bayawang, Rosario, Batangas, dahil sa mga tama ng bala sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Kaagad namang tumakas ang hindi nakikilalang suspek sakay ng motorsiklo, ayon sa pulisya.

Sa report ng Rosario Municipal Police Station, dakong 9:20 ng umaga nang mangyari ang insidente sa parking lot ng municipal hall ng Rosario.

Probinsya

Higit 1 buwang nawawala: Mangingisda mula sa Quezon, inanod sa Batanes!

Nakaparada ang sinasakyan ng biktima sa lugar nang lapitan ng suspek na naka-helmet at nakasuot ng kapote at bigla itong pinagbabaril.

Narekober sa crime scene angang walong basyo ng bala ng Cal. 45 pistol, ayon sa pulisya.

Sinisilip na ng pulisya ang mga closed-circuit television sa pag-asang makakuha ng lead sa pagkakakilanlan ng suspek.