Inamin ng award-winning actor na anak ni dating Manila City Mayor Isko "Moreno" Domagoso na si Joaquin Domagoso na kahit may anak at nagsasama na sila ng jowang si Raffa Castro (anak ni Diego Castro), na wala pa sa isip nila ang magpakasal.

Naganap ang pag-amin sa media conference ng upcoming movie niyang "That Boy in the Dark" kamakailan.

Matatandaang nagsilang na ang kaniyang partner na si Raffa noong nakaraang taon, ilang buwan matapos ang makasaysayang halalan. Nauna munang lumabas sa blind items ni Cristy Fermin ang tungkol sa umano'y pagiging binatang ama ni Joaquin dahil nabuntis nito ang jowang si Raffa.

Agosto 22 naman nang ilantad at aminin na ni Raffa ang tungkol dito matapos niyang ibahagi ang kaniyang maternity shoot.

Joaquin, 20, isa nang ganap na ama, pagkukumpirma ni Isko Moreno

Going back kay Joaquin, naniniwala aniya siyang hindi dahilan ang pagkakaroon nila ng anak ni Raffa upang agad-agad na magpakasal dahil wala pa siyang ipon.

Aminado rin si Joaquin na medyo nanibago siya sa pagiging isang ama, subalit unti-unti naman daw siyang nakaka-adapt. Ngayon daw ay gets na gets na niya ang mga "pangaral" at sinasabi sa kaniya ng mga magulang niya noon, dahil isa na rin siyang daddy ngayon.