Saludo ang pasaherong si "Pat Hernandez IV" sa driver ng nasakyang kotse na kinuha sa transportation booking service app na "Grab" dahil bukod sa pamamasada, ay punumpuno pa ito ng mga snacks at drinks na kagaya ng isang convenience store.

Makikitang nakapuwesto ang kaniyang "sari-sari store" sa pagitan ng driver's seat at passenger's seat.

“Sa hirap ng buhay ngayon, yung Grab na nasakyan namin sari-sari store na rin," ani Hernandez sa caption.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Larawan mula sa FB ni Pat Hernandez IV via Publiko

Aprub naman ito sa mga netizen dahil anila, wala umanong masama sa diskarte ni Kuya Grab driver.

"Madiskarte nga po talaga!!! Salute!!! pati water na rin."

"Bet ko sumakay dito. Kuya may Coke mismo ba."

"Diskarteng matalino! Good job!"

"More like, service at it's finest!"

"Okay lang 'yan, ganiyan din naman sa mga eroplano 'di ba?"

"Huge respect for this one. Eto yung mga taong lumalaban ng patas! Kahit sabihin ng iba na marketing strategy or kung ano pa man. This guy is hustling x100. Salute!"