Matapos i-post ni Basic ang mga screenshot ng 'pakikipagharutan' ni Yawi Esports sa isang babaeng nagngangalang Carol na kaniyang kasintahan, nagbigay umano siya ng pagkakataon kay Yawi na umamin sa kaniyang girlfriend noon na si Jennifer Nierva ng National University.

BASAHIN: Screenshot ng ‘pakikipagharutan’ ni Yawi Cabrera sa ibang babae, viral

Kuwento niya sa Instagram live noong Linggo, bago umano niya i-post ang mga screenshot na nagmula sa kaniyang girlfriend ay nauna na niyang kausapin ang kaibigan sa naturang isyu na gawin ang tama.

"Siya na bahala mag ano nun. I mean tanggap naman niya eh, 'di awkward 'yun kasi kinausap ko siya bago ko i-post. 'Di ko basta-basta ipinost 'yun. Kinausap ko siya sabi ko, gawin niya yung tama. Wala eh, 'di niya ginawa yung tama."

National

Leni Robredo binisita puntod ng asawa bago tuluyang naghain ng COC sa Naga City

"Alam mo, sa akin kasi wala naman akong ginagawang mali sa kaniya. Lesson na lang sa kaniya 'yun guys." dagdag pa niya.

Ayon din kay Basic, ilang beses na umano niya pinagbigyan si Yawi ngunit hindi niya nagustuhan ang naging aksyon nito dahil iniba umano ni Yawi ang kuwento kay Nierva kung kaya't itinuloy niya ang kaniyang post.