Walang patumpik-tumpik na nagpasabog na agad ang aktres na si Barbie Imperial sa latest bikini photo nito ngayong 2023 habang ipini-flex ang katawang tila hindi dumaan ng holiday break!

Parehong ibinahagi ng aktres ang larawan sa kaniyang Instagram at Facebook page na agad namang inulan ng komento, at libu-libong reactions.

Sa Instagram, agad na tumabo sa mahigit 146,000 likes ang naturang post matapos lang ang limang oras.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Maging ang batikang aktor na si Rita Avila ay napakomento rin sa summer-ready na agad na mala-fitness goal ni Barbie.

“Parang 'di kumain nung holidays o,” aniya.

“Sexy and pretty plus ang kinis! Happy new year, bie!” komento ng isa pang follower.

“Hot!!”

“Grabe naman yung pasabog agad sa new year!”

Samantala sa Facebook, umabot na sa mahigit 255,000 reactions ang inani ng larawan na ginawa pa niyang display photo para sa nasa 14 milyong followers sa nasabing social media site.

May kuwelang reaksyon naman ng TV host na si Kuya Kim sa naturang larawan ni Barbie matapos dumugin ng netizens.

“Happy New year lang 9k comments na?? Try ko nga...HAPPY NEW YEAR! Back to you guys,🙂” anang host.

Nasa mahigit 12,000 comment at halos 3,000 shares na ang pasabog na larawan ng aktres sa pag-uulat.