Extended sa United Kingdom ang TV host, impersonator at online personality na si KaladKaren na nagdiwang pa ng new year sa naturang bansa kasama ang pamilya at mga kaibigan ng fiancé na si Luke Wrightson.

Ito ang kuwelang pagbabahagi ni KaladKaren o Jervi Li sa totoong buhay sa isang Facebook post nitong Linggo, Enero. 1.

“Walang putukan pero may… kabayo-han!!! 😂😂😂yaaa tigidig tigidig tigidig … 2023, here we come!!! 🤠🤠🤠🐎🐎🐎

Karina Bautista, PH navy reservist na

Kasama ang ilang kapamilya ng fiancé, masayang sinalubong ni KaladKaren ang taong 2023 tampok ang temang cowboy party.

“Cowboy party to welcome the new year! Thank you Jenkins for having us. Happy New Year, mga dear! ❤️” aniya.

Hiling ng komedyante rin online sa kaniyang followers: “More dilig for everyone this 2023!!!”

Basahin: Haba ng hair! KaladKaren, nakakasampung Pasko na kasama si Luke Wrightson – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Una nang nagdiwang ng Pasko si KaladKaren sa UK kasama ang pamilya ni Luke.