Sinigang ang favorite food ng cute na cute na panganay ng Cebuana couple at online stars na sina Slater Young at Kryz Uy.

Sa maikling Instagram reel na ibinahagi ng celebrity mom nitong Lunes, muling ipinamalas ng dalawang taong-gulang na online sensation ang kaniyang kakyutan at talino sa Skyfam, o tawag sa followers ng Cebuana couple.

View this post on Instagram

A post shared by Kryz (@kryzzzie)

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Tampok sa Q&A ang hindi na ngang lingid sa fans na matatas nang pagsasalita ni Scottie sa murang edad pa lang.

Dito, natanong ang anang netizens na copycat ni Slater ng ilang personal na impormasyon.

Kabilang sa mga cute na cute at puno ng energy na sinagot ni Scottie ang tungkol sa kaniyang nakababatang kapatid na si Sevi at ang kaniyang alagang aso na si Choco.

Nariyan din ang paboritong kulay ng batang Young na brown at sinigang naman pagdating sa pagkain.

Ibinahagi rin ni Scottie ang paboritong laruang monster jam na epektibo pa niyang inilarawan kung bakit hindi ito nasasakyan.

Dahil sa wit ng batang Young, naghatid ng good vibes at gigil sa maraming followers ang naturang video.

“Proud daddy” naman si Slater na napakomento pa sa mismong video ng misis.

Sa pag-uulat, may nasa mahigit 123,000 likes at 842,000 views na ang naturang video sa Instagram pa lang.