Laugh trip ang hatid sa social media ng isang netizen na nagngangalang "Arrick Dylan Paras" matapos niyang ibahagi ang sariling gawang kalendaryo para sa 2023.

Makikita sa kalendaryo ang topless niyang litrato at sa pang-ibaba naman ay nakasuot ng maong pants.

"Ang ating official calendar ng 2023! 💗 HAHAHAHA," aniya sa caption.

Human-Interest

'Deserve mong i-flex anak!' Bakit nga ba naiyak ang isang guro sa regalo ng isang pupil?

Kuwento niya sa isang panayam, napagtripan lamang niyang gawin ito at hindi naman niya akalaing magugustuhan ng kaniyang mga katrabaho sa opisina.

Narito ang ilan sa mga komento sa kaniya:

"Boss HM?"

"Penge isa lagay ko sa gate namin!"

"Ang sarap mo 2023! Hahaha."

"Kabog silang lahat hahaha."