Inaresto ng mga awtoridad ang isang 54-anyos na lalaking nagpakilalang opisyal ng Philippine National Police (PNP) matapos umanong magnakaw sa isang supermarket sa Solano, Nueva Vizcaya kamakailan.

Gayunman, tumanggi ang mga awtoridad na isapubliko ang pagkakakilanlan ng suspek na taga-Barangay Roxas, Solano, Nueva Vizcaya.

Sa imbestigasyon ng pulisya, pumasok sa nasabing establisimyento ang suspek habang nakasuot ng PNP-Special Action Force (SAF) identification (ID) card at itim na face mask.

Nahagip din umano sa closed-circuit television (CCTV) camera ang suspek na kumuha ng alcohol at ilang bote ng alak at itinago sa kanyang shoulder bag.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Nahaharap na ang suspek sa kasong paglabag sa Article 117 (Usurpation of Authority) at theft.