Pumalo na sa₱720 ang presyo ng kada kilo ng sibuyas sa ilang pamilihan sa Metro Manila.
Ito ay sa gitna ng pahayag ng Department of Agriculture (DA) nitong Miyerkules na sa sapat pa ang suplay ng sibuyas sa bansa hanggang apat na araw.
Sa monitoring ng DA sa LasPiñas market, naglalaro ang presyo ng sibuyas mula₱500 hanggang₱720.
Sinabi ng DA, pumalo sa₱140 ang presyo ng sibuyas nitong Setyembre,280 naman nitong Nobyembre,₱300 nitong Disyembre 12-16,₱380 nitong Disyembre 19-23, at₱720 nitong Disyembre 28.
“Tayo po ngayon ay dumidiretso sa ating mga onion farmers… This is also our way of protecting them para alam po natin ang fear nila if bumaha ng importation, and we don’t want that,” pahayag naman ni DA Assistant Secretary Kristine Evangelista.