Idinaan na lamang sa biro ng komedyanteng si Alex Calleja ang kaniyang reaksiyon hinggil sa pagtaas ng presyo ng kilo ng sibuyas, na nasa ₱600 na.

Ibinahagi ni Alex sa kaniyang Instagram post kahapon ng Miyerkules, Disyembre 29, ang litrato ng mga sibuyas kasama ang tag price nito.

Naiugnay ng komedyante ang presyo ng sibuyas sa kilalang Portuguese explorer na si Ferdinand Magellan na siyang nakadiskubre sa Pilipinas.

"Sa mahal ng sibuyas, naintindihan ko na si Magellan bakit siya umikot sa buong mundo para maghanap ng spices!" sey ni Alex.

Ogie Diaz, naglabas ng hinaing tungkol sa presyo ng isang kilong sibuyas

Sinegundahan naman siya ng kapwa celebrity na si Nikko Natividad.

"Hindi mo pa hinihiwa naiiyak ka na," aniya.

Maging ang showbiz columnist-comedian na si Ogie Diaz ay napahirit na rin sa taas ng presyo ng sibuyas sa mga pamilihan.