Nagulat ang showbiz columnist na si Ogie Diaz sa presyo ng isang kilo ng sibuyas na mas mahal pa aniya sa isang kilong karne ng baboy o baka.

Inilabas ni Ogie ang kaniyang "rant" sa pamamagitan ng Instagram story.

Nagulat aniya siya na ₱600 na ang halaga ng isang kilong sibuyas.

“Wow! Php600 na pala ang kilo ng sibuyas, totoo ba?”

"Mas mahal pa sa kilo ng karneng baboy at baka?"

2 PH Navy na pinukpok sa ulo ng CCG, makatatanggap ng tig-₱100k!

Kaya naman, may pabirong hirit ang showbiz columnist.

"Paano kaya gawin yung sinigang na sibuyas na may sahog na baboy?"

Screengrab mula sa IG story ni Ogie Diaz