Wala nang inaasahang bagyo hanggang matapos ang 2022, ayon sa pahayag ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) nitong Huwebes.

"Wala na tayong aasahan na bagyo pa hanggang sa matapos ang 2022," sabi ni PAGASA weather specialist Benison Estareja.

Gayunman, makararanas pa rin pag-ulan sa malaking bahagi ng bansa dahil na rin sa low pressure area (LPA) at northeast monsoon o amihan.

Huli aniyang namataan ang LPA 100 kilometro timog silangan ng Guiuan, Eastern Samar nitong Disyembre 29 ng umaga.

Probinsya

64-anyos, natagpuang patay sa dalampasigan sa Samar

Dadaanan ng LPA ang Visayas at Mindanao kung saan magpapaulan ito sa Southern Luzon nitong Huwebes.

Maaapektuhan naman ng amihan ang ilang bahagi ng Luzon bago tumawid sa Visayas at northern portion ng Sulu.

Bukod sa southern Luzon, uulanin din ang Mimaropa (Region 4B), Calabarzon (Region 4A) at Bicol Region kaya binalaan ang mga residente na maging alerto sa posibleng landslide at flash flood.