May patutsada ang direktor na si Darryl Yap sa mga nagsasabing "flopsina" o nilangaw sa takilya ang "My Teacher" nina Toni Gonzaga, Joey De Leon, at tambalang "LoiNie" o Loisa Andalio at Ronnie Alonte, sa direksiyon ni Paul Soriano, mister ni Toni.

"Kung makapagsabi naman na 'flop' ang MY TEACHER, parang di naman sila kumain ng ininit na tae nung pinanood nila yung…kung anuman ang title nung yuckie na double flop, kayo-kayong mga langaw lang 'yan."

"Ge, maglokohan tayo," aniya pa.

Marcoleta, pinigilang magtanong tungkol sa proposed ₱6.352-trillion 2025 nat'l budget

Bumanat pa siya sa mga pumupula raw sa kaniyang pelikulang "Maid in Malacanang" na wala namang natanggap na awards.

"Ngayong di nanalo ng award yung pelikulang ang mga gumawa ay sobrang makabash at makasira sa #MiM—sigaw nang sigaw ng TANGKILIKIN PO NATIN ANG PELIKULANG PILIPINO!!!"

"So ano yung #MAIDinMALACAÑANG?"

"Foreign Film? Gawa ng Alien?"

"EDI KAYO NA LANG ANG PILIPINO."

"HAHAHAHA"

"Mga trip nyo, pang loser talaga."

Bagama't wala namang pinatutungkulan, naniniwala ang mga netizen na ang pinariringgan niya ay si Direk Joel Lamangan, ang direktor ng pelikulang "My Father, Myself".