Dagdag sa hakot-award ng Metro Manila Film Festival (MMFF) entry na “Deleter” ang pagsungkit din ni Nadine Lustre sa “Best Actress” award sa naganap na “Gabi ng Parangal” ngayong Martes.

Nauna nang hinangaan at umani ng positibong komento mula sa maraming netizens ang palabas, lalo na ang pagganap ni Nadine at mga kasamang cast kasama sina Mccoy De Leon at Louise Delos Reyes.

Basahin:‘Stressful!’ Netizens, pinuri ang husay ni Nadine Lustre, buong ‘Deleter’ cast sa sold-out ding MMFF entry – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Bilang resulta, pinakyaw nga nito ang “Best Sound,” “Best Editing,” “Best Cinematography,” at “Best Visual Effects,” at “Best Picture” awards.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Dagdag nito, maging ang direktor na si Mikhail Red ay wagi rin bilang "Best Director” ng ika-48 MMFF.

Basahin:Nadine Lustre at Heaven Peralejo, magsasalpukan sa pagka-MMFF Best Actress? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

https://twitter.com/MikhailRed/status/1607646518370250754

Bagaman wala pang opisyal na mga numero kaugnay ng kita ng mga palabas, nauna nang iflinex ng direktor ng “Deleter” ang pag-ariba ng kaniyang pelikula sa ilang “major cinemas” sa bansa.

Basahin: MMFF bardagulan: Nadine, na-elbow na raw sa takilya ang tandem nina Vice at Ivana? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid