Usap-usapan ngayon ng maraming netizens ang anila’y pahiwatig daw ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa paghingi na umano ng boyfriend na si Sam Milby sa kaniyang kamay para sa isang kasalan.

Umani ng heart reactions mula sa kapwa beauty queens ang kamakailang paglipad nga ni Cat kasama si Sam nitong Pasko sa Western Australia kung saan nakabase pa rin ang pamilya ng Pinay Miss Universe.

Isang partikular na larawan naman at caption ang ikinaintriga ng marami na pahiwatig na raw sa engagement na ng dalawa?

Sa isang payapang picnic by the beach, tila nakasama nga ni Cat si Sam habang nag-rerelax sa Australia kasama ang pamilya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“Today made me the happiest,” ani Cat.

Agad namang may wild na hula ang maraming netizens kasunod ng online post.

“He proposed?” tanong ng isang follower ng beauty queen.

“I can smell proposal,” segunda ng isa pa,

“Engaged?” dagdag na tanong marami pa.

Anila, ”luckiest” si Sam sakali ngang matanggap na ang matamis na “Oo” ni Cat para sa isang panghabambuhay na commitment.

Basahin: Power couple Catriona Gray, Sam Milby magpapakasal na nga ba soon? – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Samantala, nang matanong sa isang fashion event noong Agosto, una nang naghayag ng kaniyang saloobin ang beauty queen sa planong pagpapakasal na nila ni Sam.

“Well, let’s see,” aniya noon.

“I think we’re just taking our time. I really love where our relationship is. We’re very supportive of each other. I think, we’re just taking our time,” dagdag na detalye ng 28-anyos na celebrity.

Noong Mayo 2020 nang lumantad sa publiko ang showbiz couple.