Diretsang kinumpirma ng isang ekslusibong ulat at kaniya mismong talent agency ang bagong buhay pag-ibig ngayon ni South Korean actor Song Joong-ki.

Sa ulat ng Korean media outlet na Sports Chosun via Naver ngayong Lunes, kumpirmado ngang karelasyon ng 37-anyos na aktor ang hindi pinangalanang British national na una nang naintriga matapos maispatan

“The two developed a rapport across nationalities and languages, and developed into lovers. The girlfriend from the United Kingdom, who has a general job unrelated to the entertainment industry, is the only one who understands Song Joong-[k]i, who has a special job as an actress, and Song Joong-[k]i also cares for his girlfriend who is a regular person, and enjoys dating and nurturing his love even in the midst of his busy work activities,” anang ulat.

Dagdag nito, hindi rin itinago ng “Reborn Rich” star ang bagong pag-ibig na hayagan pang ipinakilala sa ilang staff naging overseas trip nito kamakailan sa Singapore para sa isang international media conference.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Sinegundahan din ng talent agency ng aktor ang impormasyon sa isang hiwalay na pahayag.

“Actor Song Joong-ki continues to meet a woman with good feelings. We hope you will look warmly at their relationship,”anang HighZium Studio, Lunes.

Agad na ring nakiusap ang ahensya na iwasang magpakalat ng ilang espekulasyon at hindi kumpirmadong mga ulat ukol sa relasyon ng kanilang talent.

Matatandaan ang ikinagulat na dibursyo ng aktor sa dating onscreen at offscreen partner na si Song Hye-Kyo noong 2019, dalawang taon lang matapos ikasal noong Hulyo 2017.

Matapos ang mahigit tatlong taon, tila handa na ngang muling umibig muli ng Korean superstar.