Reunited nitong Pasko sa kaniyang isang dekada nang karelasyon at fiancé na si Luke Wrightson ang TV host at online personality na si KaladKaren .

Ito ang flex ni KaladKaren tampok ang sweet na sweet na mga larawan kasama si Luke sa kaniyang social media accounts, Linggo.

“10 Christmases together but still feels like the first one! 😍😍😍From England with love- Maligayang Pasko sa ating lahat may dilig man o wala!😝😝😝 🇬🇧🎄❤️” mababasa sa post nito.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Sa mga larawan, makikita rin sa frame si KaladKaren kasama ang mommy ni Luke.

Agad namang napa-sanaol ang maraming netizens sa masayang buhay pag-ibig ng online personality.

Samantala, kamakailan, bago lumipad patungong England, viral na pahayag ni KaladKaren ang naghatid ng good vibes sa maraming netizens.

Basahin: Sey ni KaladKaren: ‘Magtrabaho ka pero ‘wag mo rin kalimutan magpadilig!’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Noong 2020 nang matanggap ni Luke ang kamay ni KaladKaren o Jervi Li sa totoong buhay para sa isang alok na kasal.

Taong 2012 nang magkakilala ang dalawa sa Hong Kong.