Kalakip sa ipinanalangin ng singer at tinaguriang “Fearless Diva” na si Jona ang mga nagdiwang ng Pasko na malayo o hindi kasama ang kani-kanilang mahal sa buhay.

Bagaman masayang ipinagdiwang ng singer ang kaniyang Pasko kasama ang pamilya, hindi nakalimutan ni Jona na ipanalangin din ang mga nalulumbay.

Sa pamamagitan ng isang salu-salo idinaos ng pamilya Viray ang Pasko base sa mga larawan na ibinahagi ni Jona, Lunes.

Basahin: American singer Michael Bolton, binalikan ang viral duet nila ni Jona: ‘She’s so talented’ – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Aniya, “talaga namang merry ang Pasko” sa piling ng kaniyang mga mahal sa buhay habang kinilala niya ang gampanin ng Diyos dito.

Isang marubdubing mananampalataya, hindi naman nakalimutan ni Jona na ipagdasal ang ibang tao lalo na ang mga nawalay sa pamilya nitong Pasko.

“My prayer for those who can't be with their loved ones this season is for God to embrace you with his love, comfort, and strength, and give you hope and faith that one day, macecelebrate niyo rin ang Christmas/ this holiday season, together,” aniya.

Sa pag-uuulat, pinusuan na ng nasa mahigit 2,500 netizens ang naturang post ng singer sa Facebook.