Sa serye ng throwback photos, binati ngayong Pasko ng aktor na si Dennis Padilla ang mga anak kay Marjorie Barretto na sina Julia, Claudia, Leon at Dani.

Mababasa ang magkakahiwalay na IG posts ngayong Linggo.

View this post on Instagram

A post shared by Dennis Padilla (OFFICIAL IG) (@dennisastig)

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Samantala, isang netizen naman nag nakisimpatya sa ama na aniya’y kawawa umano sa patuloy na pandededma ng mga anak na Barretto.

“Kawawa nmn c sir dennis greet ng greet deadma lng ng mga anak nya..wla man lng reply s knya. Godbless po sir dennis naway kau po bigyan ng marami blessings ni God,” mababasang komento ng follower ng aktor.

Samantala, complete family naman ang Instagram flex ni Marjorie sa kaniyang Instagram post ngayong Linggo.

Ito rin ang makikita sa Christmas post ni Julia kasama ang mga kapatid na pinusuan ng maraming netizens.

Basahin: Dennis Padilla, ‘nanggigil’ sa anak na si Julia Barretto matapos ang panayam kay Karen Davila – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Ngayong taon, ilang kontrobersya ang hinarap ng pamilya Barretto kasunod na rin ng mga direktang patutsada at online posts ni Dennis sa mga anak.

Basahin: ‘Panunumbat is disgusting’: Sentimiyento ng netizens vs Dennis Padilla, viral! – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid